Yo... itaas mo ang kamay mo Para Sa Buong Rizal
(Chorus) 2x
Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal
1st Verse:
Para trycicle ito ang singkwenta pesos
Iyo na ang sukli, basta ang araw mo ay maayos
Ito pa ang sentimos, baka kulangin ka at pagkatapos
Ikaw ay maghilamos, alam mo naman ang usok ay nakakapagod
Sa mga jeepney driver sana kayo ay makasahod
Sa init ng araw ito ang malamig na tubig
At sa lahat ng nagtrabaho ngayon ito ang sisig
Relax muna ito ang pulutan,
Kaibigan tara tayo ay maginuman, doon! sa tambayan!
(Chorus) 2x
Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal
2nd Verse:
Sa pag gising sa umaga binubuksan ang bintana
Presco ang hangin oh kay sarap na
Langhapin ang halimuyak na dumadating
Na alam mo sa huni ng ibon ay ito iyong sisilipin
At napakasarap na amoyin ang nakahain
Lutong pilipino kay sarap kainin ito
Di mo lang alam ang aking paborito
Basta ba kahit ano, mabusog ako, salamat sa nagluto
Binubusog ako ng sigurado
Sa plato, sa dahon ng saging, dyan ako nakapwesto!
Siksikan, agawan, oh kay saya ng umagahan
Kahit ba ulam at kanin ay kainitan!
(Chorus) 2x
Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal
3rd Verse:
Gusto mo bang sumama,... sa aming lugar...
Dito ay masaya... Morong Rizal...
Simple lang pero patok sya... at ayos pa...
Kalapit pa ng Cardona at Teresa "payapa payapa"
Ngayon isasakay kita, patungong Tanay
Baka naman gusto mo sa Baras muna
Baka naman sa kabila don sa Binangonan
Dahan dahan, wag mo kalimutan na dumaan
Sa San Guillermo, Malapit ito sa Antipolo
Isasama ko pa ang San Mateo, Angono,
Sa Rizal ang dami ng tao,... kung sino sino
Tiga Pililla, Jala Jala,... TayTay,...
Malapit ito sa Cainta, at saka Rodriguez
Ako ng pala si Sevenes, kumusta sa lahat ng nakikineg
Magandang umaga, magandang tanghali, hating Gabi...
Sana lahat kayo ay Mabuti... Sana lahat kayo ay Mabuti...
(Chorus) 2x
Dito sa Rizal, ito ang aking lugar
Dito pinanganak ang kagaya ko maganda ang asal.